Home NATIONWIDE ADMU grad nanguna sa September 2026 psychologist computer-based licensure exam

ADMU grad nanguna sa September 2026 psychologist computer-based licensure exam

1
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Professional Regulation Commission na nanguna ang isang graduate ng Ateneo de Manila University sa computer-based licensure examination para sa mga psychologist na ibinigay ngayong buwan.

Ayon sa PRC, 490 sa 560 kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa exam na ibinigay ng Board of Psychology sa mga test center sa Metro Manila, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pampanga, Rosales, Tuguegarao at Puerto Princesa.

Nakuha ni Josemaria Ecequiel Naval Ledesma ng ADMU ang pinakamataas na score na 91.70%, habang ang mga nangungunang paaralan na may 30 o higit pang examinees ay ang ADMU at University of Santo Tomas, kung saan lahat ng kanilang kumuha ng pagsusulit — 37 at 35 — ay nakapasa.

Ayon sa PRC, maaring makita ang kabuuang listahan ng mga nakapasa sa licensure exams sa kanilang opisyal na website. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here