Home NATIONWIDE House reso inihain para sa pambansang paggunita sa SCS arbitral ruling

House reso inihain para sa pambansang paggunita sa SCS arbitral ruling

3
0

MANILA, Philippines – Isang resolusyon ang inihain sa House of Representatives upang himukin ang lahat ng sektor na gunitain ang ika-10 anibersaryo ng Hulyo 12, 2016 Arbitral Award kaugnay ng South China Sea.

Ang House Resolution 1013, na inihain ni Malabon Rep. Antolin Oreta III, ay nananawagan ng mga aktibidad na magpapalawak ng kamalayan ng publiko sa Arbitral Award, paggalang sa international law, at mas malalim na pagpapahalaga sa maritime heritage ng bansa.

Hinihimok ng resolusyon ang government institutions, academic community, civil society, youth organizations, at publiko na parangalan ang legal at diplomatic victory ng Pilipinas habang muling pinagtitibay ang soberanya ng bansa, commitment sa international law, United Nations Convention on the Law of the Sea, at mapayapang pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan.

Ayon kay Oreta, chair ng House Special Committee on the West Philippine Sea, layon ng HR 1013 na kilalanin ang kahalagahan ng 2016 Arbitral Award bilang isa sa pinakamahahalagang legal victories ng bansa.

Sa pahayag ng Kamara nitong Huwebes, sinabi nitong pinagtibay ng ruling ang maritime entitlements ng Pilipinas sa ilalim ng international law at pinalakas ang rules-based international order na gumagabay sa karagatan ng mundo.

Nauna nang inaprubahan ng House Special Committee on the West Philippine Sea ang HR 1013 noong Mayo 25. Naisumite na ng panel ang committee report nito sa House of Representatives, at hinihintay na lamang ang plenary action kapag nagbalik ang sesyon ng Kongreso.

“As the nation commemorates this historic achievement, the Philippines renews its steadfast commitment to diplomacy, adherence to international law, and the peaceful resolution of disputes,” nakasaad sa resolusyon.

Ayon kay Oreta, nananatiling simbolo ng pag-asa ang 2016 Arbitral Award na maaaring manaig ang katarungan sa pamamagitan ng rule of law, at na ang may prinsipyong pamumuno ay makapagtitiyak ng mas magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here