Home LIFESTYLE HEALTH Palaupong pamumuhay, nagpapataas ng obesity, high blood pressure risks sa kabataan

Palaupong pamumuhay, nagpapataas ng obesity, high blood pressure risks sa kabataan

1
0

MANILA, Philippines – Maaaring magpataas ng panganib ng obesity at high blood pressure sa kabataang Pilipino ang sedentary lifestyle, batay sa pag-aaral ng Food and Nutrition Research Institute.

Sa panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabi ni FNRI science research specialist Patricia Isabel Amita na ang pagiging malusog ay hindi lamang nakabatay sa tamang nutrisyon at regular na ehersisyo, kundi pati sa pag-iwas sa unhealthy habits gaya ng kakulangan sa tulog, labis na screen time, at kawalan ng pisikal na aktibidad.

“The FNRI did a study, and it showed that too much screen time, sitting for a long period, and lack of sleep make Filipino adolescents prone to high blood pressure and being overweight,” pahayag ni Amita.

Dagdag niya, ang pagsasabay-sabay ng tatlong gawi na ito ay mas nagpapataas ng panganib ng obesity at hypertension.

Ayon kay Amita, hindi lamang matatanda ang nakararanas ng hypertension dahil pati adolescents o mga kabataang edad 10 hanggang 17.9 ay maaari ring magkaroon ng high blood pressure. Batay sa 2023 national nutrition survey, 7 percent ng Filipino teenagers ang hypertensive.

Binanggit din niya na maaari ring makaranas ng stroke ang teenagers.

Ayon pa kay Amita, may pag-aaral na nagpapakitang ang unhealthy behaviors tulad ng matagal na pag-scroll sa cellphone sa gabi ay nagdudulot ng kakulangan sa tulog, na maaaring humantong sa mas mahabang pag-upo kinabukasan.

“It is becoming a cycle. Unhealthy behaviors like these are making people more prone to obesity and hypertension,” ani Amita.

Hinimok niya ang mga magulang na hikayatin ang kanilang mga anak na sumali sa sports at maglakad pagkatapos kumain. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here