Home NATIONWIDE House Speaker: Pagbaba ng presyo ng bigas sa P42 dahil kay PBBM

House Speaker: Pagbaba ng presyo ng bigas sa P42 dahil kay PBBM

MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang administrasyong Marcos sa unti unti nang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado kung saan ilan sa magagandang klase ng bigas ay mabibili na lamang sa P42 kada kilo.

Ang pahayag ay ginawa ni Romualdez kasunud ng ginawa nyang pagbisita sa Guadalupe Market sa Makati City, Nepa-Q Mart at Farmers Market sa Quezon City.

Sinabi ni Romualdez na sa ilalim ng Executive Order (EO) 62 o ang pagbaba ng taripa sa 15% mula sa 35% na ipinatupad noong July 5 ay nagresulta na sa pagbaba ng presyo ng bigas.

“Nakita natin may 45 pesos kada kilo, meron ding 42 pesos for broken rice, yung well-milled 45 pesos. At yun talaga ang gusto nating makita, na pababa nang pababa. On behalf of the House of Representatives, we welcome this positive development. This is truly in line with the Marcos administration’s commitment to ensuring that food, particularly rice, remains affordable and accessible for all Filipinos,” paliwanag ni Romualdez.

Tiniyak ni Romualdez na ang pagbabang presyo ng bigas ay magtutuloy tuloy na hanggang sa pagpasok ng Kapaskuhan.

Samantala, sinabi ni Romualdez na hindi lamang ang pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado ang tinututukan ng pamahalaan subalit tiunutugunan din ang ang mismong ugat ng problema, kabilang na dito ang paglatag ng solusyon para sa pagtaas ng domestic rice production, pagsasasaayos ng import regulations at paghabol sa mga sangkot sa illegal trade practices.

“President Ferdinand Marcos Jr. has made it clear that food security is a top priority for his administration. This is not just about lowering prices temporarily, but about ensuring a sustainable supply chain that benefits both consumers and farmers,” paliwanag ni Romualdez.

Batay sa monitoring ng Department of Agriculture ang average retail price ng mga bigas ay nasa P47 hanggang P51 kada kilo. Gail Mendoza