Home NATIONWIDE Hukom na lumabag sa batas, walang lusot – Korte Suprema

Hukom na lumabag sa batas, walang lusot – Korte Suprema

238
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Ipinasisibak at disbar ng Korte Suprema si Judge Oscar D. Tomarong matapos mapatunayang sangkot sa pagpatay sa kapwa hukom na si Judge Reymar L. Lacaya noong 2019.

Sa desisyon ng Korte Suprema En Banc, inatasan ang pagtanggal kay Tomarong sa serbisyo, pagkumpiska ng kanyang retirement benefits, at tuluyang pagbabawal na makapagtrabaho muli sa gobyerno.

Batay sa ebidensya, napatunayang si Tomarong ang nagplano ng krimen at nagbayad ng P250,000 sa mga gunman.

Umapela si Tomarong sa korte sa kasong kriminal ngunit iginiit ng korte na sapat na ang substantial evidence upang papanagutin ang isang hukom sa administratibong kaso.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na ang pagpatay ay krimeng may moral turpitude at malinaw na paalala na walang sinuman ang higit sa batas—lalo na ang mga hukom na inaasahang maging huwaran ng katarungan.

Ayon pa sa desisyon ng korte, si Tomarong ay hindi na rin maaring magpractice ng law na binibigyang-diin na ang Code of Professional Responsibility ay nagbabawal sa mga abogado na gumawa ng labag sa batas, hindi tapat o immoral conduct.

Idiniin nito na ang isang abogado na nagpapakita ng lubos na pagwawalang-bahala sa kabanalan ng buhay ng tao ay hindi maaaring manatiling miyembro ng legal na propesyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here