Home NATIONWIDE Christmas holiday ilalaan ni PBBM sa pagrerebisa ng 2026 budget – Malakanyang

Christmas holiday ilalaan ni PBBM sa pagrerebisa ng 2026 budget – Malakanyang

257
0

MANILA, Philippines – Ilalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang christimas holidays sa pagtatrabaho habang nirerebisa ang national budget para sa 2026.

Inihayag ito ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez nang tanungin kung saan magha-holiday si Pangulong Marcos.

“The President will be spending the holidays working,” ang sinabi ni Gomez sa isang text message sa mga reporter.

“As early as now, the President is already mobilizing his team to facilitate the immediate review of all amounts and corresponding provisions agreed in the bi-cam and trace the changes made from the originally submitted National Expenditure Program (NEP),” aniya pa rin.

Idagdag pa rito, sa pagrerebisa ng budget, layon aniya ni Pangulong Marcos na tityakin na ang pera ng mga taxpayers ay mapupunta sa tamang paggamit.

Ang pahayag na ito ni Gomez ay matapos na hindi pa nararatipikahan ng Kongreso ang panukalang P6.793-trillion 2026 national budget, kung saan iniurong ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado ang pagpapatuloy ng kanilang plenary sessions sa December 29.

Sa ilalim ng bagong calendar, mayroon lamang dalawang araw ang Malakanyang December 30 at December 31 — para lagdaan ang budgert upang maging ganap na batas, bago pa mapilitan ang bansa na i- adopt ang reenacted budget. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here