Home NATIONWIDE Huling drug case ipababasura ni De Lima

Huling drug case ipababasura ni De Lima

MANILA, Philippines – Hihilingin ni dating senator Leila de Lima sa korte na ma-dismis na ang natitirang nitong drug case na nakabinbin sa Muntinlupa RTC.

Ayon sa legal counsel ni de Lima na si Atty. Boni Tacardon, nakatakda silang magsumite ng demurrer to evidence na layong mabasura ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Dati na idineklara ng Supreme Court na sa sandaling aprubahan ang demurrer to evidence ay pinawalang sala na ang akusado sa kaso.

Kahapon (March 11) dumalo si De Lima sa hearing sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 kaugnay sa case 17-167.

Kabilang ito sa tatlong kaso na isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Duterte administration noong February 2017.

Kasama ni De Lima sa naturang kaso sina dating Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Jesus Bucayu, Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Jose Adrian Dera na diumano ay nagsabwatan para sa iligal na transaksyon ng droga.

Ito ang nalalabing kaso na isinampa laban kay De Lima matapos ibasura ng Muntinlupa RTC ang dalawa pang kaso.

Ayon kay Tacardon pumayag ang korte na magsumite sila ng motion for leave to file demurrer to evidence sa loob ng sampung araw. Teresa Tavares

Previous article16 patay sa flash flood, landslide sa Indonesia!
Next articleJade Castro, iba pa laya na