MANILA, Philippines – Nakalabas na ng bilangguan ang film director na si Jade Castro at ang tatlo nitong kasamahan na inakusahan ng pagsunog sa isang modernized jeepney sa Catanauan, Quezon nitong Enero 2024.
Ayon sa isa sa legal counsel ni Castro na si Michael Marpuri, ibinasura ni Catanuan RTC branch 96 Judge Julius Francis Galvez ang kasong destructive arson laban sa grupo ni Castro dahil mali ang pag-aresto.
Pinayagan ng korte ang inihain na motion to quash the information ng grupo ni Castro.
Una nang kinuwestyon ng mga abugado ang naging paraan ng pagka-aresto sa grupo ni Castro.
Sinabi naman ng korte na walang sapat na basehan na hulihin sina Castro dahil hindi naman sila nahuli sa akto na ginagawa ang krimen at wala rin naganap na lehitimong hot pursuit operation.
Hindi rin nakapagbigay ng impormasyon ang mga testigo hinggil sa sasakyan na ginamit nina Castro para tumakas myla sa crime scene. Teresa Tavares