Home NATIONWIDE Unang obispong Pinoy inordenahan sa Philadelpia

Unang obispong Pinoy inordenahan sa Philadelpia

99
0

MANILA, Philippines – Naordinahan bilang unang Pilipinong obispo ng Philadelphia ang paring Katoliko na si Efren Esmilla sa kanyang solemne installation rites sa Cathedral of Sts. Peter at Paul noong Marso 7.

Sinabi ni Esmilla sa kanyang homiliya na noong 1903, nagpadala noon si Pope Leo XIII ng isang obispo mula sa archdiocese na ito sa Nueva Segovia sa Ilocos Sur sa Pilipinas upang palakasin ang pananampalatayang Katoliko sa mga isla.

Makalipas ang mga 120 taon, isang pari mula sa Pilipinas ang gumawa ng kasaysayan sa pagiging unang Pilipinong obispo sa lungsod .

“This is the goodness of the Lord,” he saidm, “not only to the people of Philadelphia but [also] to the entire people in the Philippines.”

Inituring ng mga mananampalataya g Katoliko sa Philadelphia na ang pagtatalaga ni Pope Francis ng isang obispo na tumitingin at kumakausap sa kanila ay isang sagot na panalangin.

Sinabi ni Philippine Consul General Senen Mangalile na isang paraan din para parangalan ang mga kontribusyon ng mga Pilipino sa simbahang Katoliko sa U.S. ang pag-angat ni Esmilla sa episcopate.

“It’s an acknowledgement of the huge role that the Filipino Catholic community in the whole United States plays in the life of the church,” sabi ni Mangalile.

Naging inapirasyon din si Esmilla ng batang parishioners, kabilang si Mark Gomba.

Nakita ang Fil-Am seminarian na tinutulongan si Esmilla sa ordination rites .Ibinahagi niya na una niyang ginustong maging doctor upang makapagligtas ng buhay ngunit sa tatlong taon, ang kanyang ordinasyon bilang pari ay hahayaan siyang magligtas ng mga kaluluwa.

Buong puwersa rin ang mga kamag-anak ni Esmilla na ipakita ang kanilang pagmamahal at suporta sa bagong bishop sa pamilya.

Ang kanyang mga kapatid, bukod sa nagpadala ng kanilang pinakamahusay na hiling, ay ibinahagi rin ang kanyang pangarap noong bata pa siya.

“My wish is for him to become a saint,” sabi ng kapatid ni Esmilla na si Cristy. “That has been his desire. Let us pray for him, that he may grow closer to the people that the Lord loves.”

Si Esmilla ay ang ika-apat na Filipino bishop sa U.S. Patuloy siyang maglilingkod sa kanyang parokya hanggang Hunyo. Pagkatapos ay sisimulan niya ang kanyang mga tungkulin bilang auxiliary bishop sa Philadelphia archdiocese. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

He will continue to serve his parish until June. He will then begin his duties as auxiliary bishop at the Philadelphia archdiocese.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here