Home NATIONWIDE Unang insurance sa Bantay Dagat ipinamahagi ng BFAR, PCIC

Unang insurance sa Bantay Dagat ipinamahagi ng BFAR, PCIC

Sa kauna-unahang pagkakataon ipinagkaloob nitong Lunes, Marso 11, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang unang insurance claim sa isang Bantay Dagat volunteer beneficiary sa Oas, Albay.

Tinutulungan ng Bantay Dagat o mga sea wardens ang mga awtoridad sa dagat na pangalagaan ang mga baybaying dagat sa bansa.

Sa press release, sinabi ng BFAR na nasa P55,000 halaga ng death benefits ang ibinigay sa asawa ng volunteer na si Arnel Radan.

“Ito ang unang pagkakataon na ang pamilya ng namatay na boluntaryo ng Bantay Dagat ay nag-claim ng death benefit mula sa BFAR at PCIC,” sabi nito.

Nauna rito pumanaw si Radan noong Nob. 9, 2023 dahil sa atake sa puso, idinagdag nito. Ang dalawang ahensya ay nagproseso ng insurance claim ng kanyang benepisyaryo sa loob ng apat na buwan mula nang magkabisa ang Bantay Dagat Insurance Program (BDIP) noong Nob. 6, 2023.

“Maraming-maraming salamat po sa malaking tulong sa amin. Magagamit ko po ito sa pambayad sa mga utang at pampuhunan sa pagbili ng apat na biik (Maraming salamat, malaking tulong ito para sa amin” sabi ni Florencia Radan.

Ang mga deputized na Bantay Dagat volunteers ay nakaseguro ng isang taon para sa mga pagkamatay dahil sa mga aksidente, natural na dahilan at pagpatay o pag-atake, sa ilalim ng BDIP.

Sa ngayon, nasa 3,545 Bantay Dagat volunteers ang nakatanggap ng tulong medikal o naka-enroll sa ilalim ng insurance program mula sa BFAR at PCIC. Santi Celario

Previous articleUnang obispong Pinoy inordenahan sa Philadelpia
Next articleMotor rider nag-counterflow sa Skyway, patay sa bangga