Home METRO Motor rider nag-counterflow sa Skyway, patay sa bangga

Motor rider nag-counterflow sa Skyway, patay sa bangga

MANILA, Philippines – Patay ang isang motorcycle rider matapos nitong tangkaing mag-counterflow sa bahagi ng Balintawak ng Skyway Stage 3 sa Quezon City, iniulat nitong Lunes (Marso 11).

Nabatid sa pahayag ng Skyway management, Linggo ng umaga nang pumasok ang isang motorcycle rider mula sa A. Bonifacio Avenue sa northbound off ramp patungo sa North Luzon Expressway sa isang mabilis na clip.

Sinabi ng Skyway na sinubukan ng kanilang mga tauhan na pigilan ang rider na magpatuloy ngunit sinabing masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo sa 80 kilometro bawat oras. Ang pinakamataas na bilis sa Skyway Stage 3 ay 60 kph.

Ayon pa sa ulat tumilapon ang rider ng 150cc motorcycle mula sa kanyang sasakyan matapos itong bumangga sa isang sasakyan alas-6:12 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon na lasing ang rider ng motorsiklo. Isinugod siya sa ospital ngunit namatay pagkalipas ng 12 oras.

Kaugnay nito sinabi ni Police Capt. Jun Cornelio Estrellan, Hepe ng Highway Patrol Group-SLEX-Sub-Office na ang rider ay walang suot na helmet at wala rin hawak na driver’s license nang mangyari ang aksidente.

Nagtamo ng mga pinsala ang AUV driver at sa kabila ng pagkakaroon ng right of way, nahaharap din ito sa reklamo mula sa HPG sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Samantala ang pamilya ng yumaong rider, gayunpaman, ay nagsumite ng Affidavit of Desistance.

Kaugnay nito pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga motorista na tanging ang mga motorsiklo na may 400cc na makina ang pinapayagan sa mga expressway. Santi Celario

Previous articleUnang insurance sa Bantay Dagat ipinamahagi ng BFAR, PCIC
Next articleHigit $1B investment sa Pinas, inanunsyo ng kalihim ng US Commerce