Home NATIONWIDE Higit $1B investment sa Pinas, inanunsyo ng kalihim ng US Commerce

Higit $1B investment sa Pinas, inanunsyo ng kalihim ng US Commerce

MANILA, Philippines – DUMATING na sa Pilipinas si US Commerce Secretary Gina Raimondo bitbit ang magandang balita na mahigit sa $1 bilyong halaga ng investments ang paparating sa bansa mula sa 22 American companies.

Si Raimondo, nangunguna sa high-level Presidential Trade and Investment Mission, nakipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Philippine economic team sa kanyang pagdating.

Siya ang tumayong kinatawan ni US President Joe Biden na hangad ang mas malakas na relasyon sa kalakalan sa Pilipinas.

“On this trip alone, these companies are announcing over a billion dollars of US investments including creating educational opportunities to over 30 million Filipinos,” ayon kay Raimondo sa press briefing.

“Interests in higher wage jobs, in telecommunications, in digitization, helping small and medium-sized companies to digitize. That’s a strong theme of the investments these companies hope to make,” dagdag na wika nito.

Ilan sa mga kompanya na kasama sa trade mission at sinasabing mamumuhunan sa Pilipinas ay ang FedEx, UPS, United Airlines, Mastercard, VISA, Microsoft, at Google.

Hindi naman nito sinabi ang eksaktong investment kada kompanya subalit sinabi ni Raimondo na marami sa mga kompanyang ito lalo na sa tech firms, ang maglulunsad ng training programs sa cybersecurity, artificial intelligence at marami pang iba.

Makatutulong din ito sa semiconductor sector sa Pilipinas at mapalalakas ang turismo dahil isinama na ang Cebu sa United Airlines’ route map. Ang lahat ng investments na ito ay makalilikha ng libo-libong bagong trabaho.

“US companies are interested to invest in Filipinos. Just look at the many American companies that provide employment and professional development for thousands of Filipinos, putting them on a path to higher-paying jobs,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Philippine Trade Secretary Alfredo Pascual na pinirmahan na nila ang kasunduan sa karamihan sa mga kompanyang ito.

“Google for example and other tech companies in the US will be offering our people. They’re targeting thousands of Filipinos to be given training and certification in digital competence.” aniya pa rin.

Sinabi naman ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Sec. Frederick Go na ang trade mission ay “not one-way” dahil hiniling din ng Pilipinas mula sa gobyerno ng Estados Unidos na i-extend ang tulong sa Philippine exports sa Estados Unidos.

“We raised a particular issue of a Filipino company that manufactures garments and exports them to the US. We brought this to their attention that a Filipino garments company needs support from the US government. We’re helping manufacturing companies in the Philippines to export their products to the US,” ayon kay Go.

Samantala, nakatakda namang makapulong ni Raimondo ang Philippine business groups, ngayong araw ng Martes, Marso 12 bago pa bumalik sa Estados Unidos. Kris Jose