Home HOME BANNER STORY Ilang seksyon ng Manila-Batangas Bypass Road isasara ng 5 araw

Ilang seksyon ng Manila-Batangas Bypass Road isasara ng 5 araw

MANILA, Philippines – Isasara ang mga seksyon ng Manila-Batangas Bypass Road na sumasaklaw sa Sto. Torribio, Marawoy papuntang Inosluban simula sa Marso 12, 2024 alas-8 ng umaga hanggang Marso 16.

Ang pagsasara na ito ay dahil sa komprehensibong pagpaplano at mga hakbang sa seguridad ng Lipa City Traffic Management Division (TMD), sa pakikipag-ugnayan sa Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), at pribadong sektor, bilang paghahanda sa isang kaganapan sa lungsod.

Ayon sa Lipa City TMD, magde-deploy sila ng karagdagang 30 traffic enforcers sa mga bahagi ng kalsadang apektado.

Sinabi ng mga awtoridad na ang aktwal na kaganapan ay magsisimula sa Marso 14 ngunit ang kalsada ay isasara sa Marso 12 dahil kailangan na maglagay ng mga booth.

Samantala, maaaring dumaan ang mga motorista sa mga alternatibong daan.

Ang mga patungo sa Lipa City proper mula sa Maynila ay maaaring dumaan sa Leviste Drive at lumabas sa Balete Exit.

Ang mga patungo sa Barangay Inosluban gamit ang Balete Exit ay maaaring dumaan sa Leviste Drive at kumaliwa sa Barangay Marawoy.

Tinatayang 50,000 katao ang inaasahang lalahok sa kaganapan.

Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga bisita at residente na iwasang magdala ng malalaking bag, matutulis na bagay, at de-boteng inumin. RNT

Previous articleHigit $1B investment sa Pinas, inanunsyo ng kalihim ng US Commerce
Next articleModus ng NFA ibinulgar ni Tulfo: Good rice ideneklarang ‘bad’ para maibenta nang palugi