MANILA, Philippines- Bilang paggunita sa pagkapanalo ng Pilipinas laban sa pang-angkin ng China sa South China Sea, hiniling ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na ideklara ang Hulyo 12 bilang National West Philippine Sea Day.
Sinabi ni Hontiveros na sa ganitong pamamaraan, maisusulong ang bansa sa tamang direksyon upang igiit ng gobyerno ang soberenya sa karagatan.
“Celebrating National WPS Day every July 12 is a way for us to always remember our historic win at the Hague. Paraan ito para matiyak na ang panalong ito ay hindi tratuhing parang papel lang na pwedeng itapon sa basura, “ ayon kay Hontiveros.
“It should be part of our history lessons. This landmark legal victory should be kept alive in the hearts of our people. Commemorating WPS Day would remind not only Filipinos, but the entire world, how the Philippines fought – peacefully – for what is ours, for what is right,” dagdag niya.
Noong 2016, pinaboran ng Permanent Court of Arbitration ang karapatan sa maritime ng Pilipinas at ibinasura ang panghahabol ng China sa South China Sea, na pawang tagumpay ng mamamayang Pilipino.
Nakapaloob ang kanyang panukala sa Senate Resolution No. 674.
Ayon kay Hontiveros, susuportahan din niya ang panukala ni Rep. Rufus Rodriguez na lumikha ng isang think tank na tatawaging Center for West Philippine Studies sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Layunin ng Sentro na itaguyod at tutukan kung paano idedepensa ng Pilipinas at susuportahan ang paghahabol sa WPS.
“I’m inclined to support this measure, considering how it is essential that we keep thinking of more creative strategies to better defend the WPS,” aniya.
“Mahalaga ang malalim na pag-aaral para maprotektahan ang ating karagatan, karapatan, at soberanya paliwanag ng senadora.
“We won at the Hague precisely because of deep and exhaustive legal and historical research, discussions, and debates. Having a think tank like this proposed Center for West Philippine Sea studies can all the more contribute to the wealth of knowledge and information that could only strengthen our claims,” giit niya.
Kasabay nito, hiniling din ng senador na pagtibayin ang panukalang Blue Economy Act na makatutulong sa proteksyon ng maritime assets ng Pilipinas sa WPS tulad ng Escoda Shoal.
Pangunahing layunin ng panukalang Blue Economy Act na itaguyod ang isang sustainable development ng marine resources, na nasa loob ng Exclusive Economic Zone sa West Philippine Sea, banggit ng senador.
“Ang panukalang ito ay magsisigurado na ang mga likas-yaman na nakapaloob sa WPS ay mapapakinabangan nating mga Pilipino, partikular na ng mga mangingisda at fisherfolk communities na nakadepende sa WPS para sa kanilang kabuhayan,” ayon kay Hontiveros.
“Through this measure, the government is pushed to play an active role in ensuring that the marine life within our exclusive economic zone (EEZ) is protected, our resources kept intact, and our future secured,” dagdag ni Hontiveros. Ernie Reyes