MANILA, Philippines- Sugatan si Pigidan, Abra Vice Mayor Noel Bisares matapos mabaril sa Barangay Pamutic nitong Huwebes ng umaga, ayon sa Police Regional Office – Cordillera (PROCOR).
Batay sa police report mula sa PROCOR, nakaupo si Bisares bandang alas-8:30 ng umaga sa loob ng isang construction supply establishment nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
Bumaba ang backrider na nakasuot ng orange cap, pumasok sa establisimiyento, at ilang beses binaril ang vice mayor na tinamaan sa kanang kamay at balikat.
Dinala siya sa isang ospital sa Bantay, Ilocos Sur para magamot.
Nagsasagawa na ng hot pursuit operations upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Nagkasa na ng dragnet at checkpoint operation. RNT/SA