MANILA, Philippines- Humantong sa kulungan ang ginawang panghahalay ng isang lalaki sa 52 taong gulang na bedridden person with disability, napaulat kahapon sa Valenzuela City.
Batay sa report na nakalap mula kay P/Capt. Joan De Leon ng PIO ng Valenzuela-PNP, ang biktima ay itinago sa pangalang Annie, 52 , PWD, residente ng nasabing lungsod.
Swak naman sa selda ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Mark, 24, kapitbahay ng biktima.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nakitang umaaligid ang suspek malapit sa nakakandadong pintuan ng bahay ng biktima.
Naiwang mag-isa ang biktima sa kanilang bahay dahil may binili sa labas ang kanyang kapatid.
Napag-alaman na sa ika-apat na balik ng suspek, nabuksan na nito ang pinto ng bahay ng biktima.
Humingi ng tulong sa barangay tanod ang isang kapitbhay nila nang makitang pumasok sa loob ng bahay ang suspek.
Nang kanilang buksan ang pinto ay doon na nila naaktuhan ang lalaki o suspek habang nakapatong pa mismo sa biktima, na wala siyang saplot sa katawan, gayundin ang biktikma.
Napag-alaman na taglay ng biktima ang tinatawag na mental and intellectual disability, kaya nahihirapan na siyang tumayo at laging nakaupo ssa wheelchair.
Hindi rin umano ito makapagsalita.
Samantala, kasalukuyang nakakulong ang suspek habang inihahanda ang kasong rape laban sa kanya. Merly Duero