Manila, Philippines- Maraming netizens ang nakakapansin sa pagiging disoriented o “lutang” ni Rufa Mae Quinto na tumatayo bilang isa sa mga hurado ng segment na Kalokalike sa It’s Showtime.
Ito ang ginawang pambibisto sa kanya ng main host nitong si Vice Ganda.
All along pala, walang kaalam-alam ang sexy comedienne na umeere na ito sa GMA kahit produced ito ng ABS-CBN.
Pagbubuko ni Vice Ganda quoting P-chi (palayaw ni Rufa Mae): “Tanong ba naman sa akin, ‘Di ba, sa ABS-CBN ang show n’yo?’ Sabi ko naman, matagal na kaming umeere sa GMA!” sey ni Vice Ganda on mic.
Ipinunto rin ng Unkaboggable Star ang pagiging “reklamadora” ni Rufa Mae sa pangungulit nito.
“Pinupuntahan pa talaga ako niyan hanggang sa dressing room para lang ipilit na dapat daw, eh, Lookalike ang pangalan ng segment. Hindi niya yata gets ‘yung ‘kaloka’ sa title…’kaloka talaga si Rufa Mae!”
Pagpapatuloy pa ni Meme: “At saka hindi raw niya bet ‘yung props na tao na parang trophy kasi raw ganu’n lang ang movement ng kamay, ‘yung gumagalaw-galaw lang. Dapat daw tumataas ‘yung kamay na parang ‘Todo na ‘to!'”
Ang “Todo na ‘to!” ay ang expression na pinauso’t pinasikat ng komedyana.
Sey pa ni Vice Ganda: “Ang dami-daming reklamo kang maririnig, pero saan ka, wish niya na sana raw tumagal siya bilang judge ng Kalokalike!”
Natameme lang si Rufa Mae nang biruin siya ni Vice Ganda tungkol sa isyu nila ni Jessa Zaragosa.
Ipinaalala kasi ni Meme ang guesting noon ni Rufa Mae sa Startalk kung saan naglitanya siya ng mga hanash kay Jessa.
“Gutom lang ako noon, at saka okey na kami,” depensa ni Rufa Mae na hindi naman mabanggit-banggit ang pangalan ng nakaalitan niya. Ronnie Carrasco III