Home NATIONWIDE Human rights committee itinatag ng Marcos govt – DOJ

Human rights committee itinatag ng Marcos govt – DOJ

136
0

MANILA, Philippines – Bumuo ang Malacañang ng komite na siyang makikipag-ugnayan sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na hindi nalalabag ang karapatan pantao.

Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, naglabas si Pangulong Marcos ng Administrative Order No. 22 na nagtatatag ng Special Committee on Human Rights Coordination.

Sinabi ni Vasquez na patunay ito na ang lahat ng hakbang ng Marcos administration ay lubos na isinasaalang-alang ang karapatan pantao.

Ang special committee ay nasa ilalim ng Office of the President. Mayroon itong presidential authority na kumalap ng suporta at kooperasyon sa lahat ng government agencies para sa iisang sistema ng pamahalaan.

“Ibig sabihin nito ang lahat ng ating mga proyekto at plano, law enforcement, for instance, pati na ‘yang accountability, ‘yan ay gagawin ng ating lahat ng mga ahensya sa ilalim ng human rights promotion and protection obligations ng ating pamahalaan.”

Nilinaw din ni Vasquez na himdi gaya ng Commission on Human Rights (CHR) na isang independent constitutional body, ang special committee ay mayroong coordination functions.

Kabilang sa mandato ng special committee ay ang paggamit ng human rights sa pagresolba sa problema sa iligal na droga. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here