MANILA, Philippines – Hinimok ang mga Dioceses na makiisa sa pagdiriwang ng “International Day of Conscience” sa Hunyo 16 , ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Pablo Virgilio David.
Sinabi ni David sa circular na inilabas noong Lunes, opisyal nang kinikilala ni Pope Francis ang nasabing araw , na nag-ugat sa desisyon ng Portuguese diplomat Aristides de Sousa Mendes na tulungan ang mga Hudyo at mga inuusig na indibidwal sa France na sinakop ng Nazi.
Dahil sa kanyang pananampalatayang Katoliko , si Mendes noong Hunyo 17,1940 ay nagbigay sa kanilang mga visa para makaalis sila ng bansa. ang kanyang mga aksyon,gayunpaman, ay sinalubong ng matinding paghihiganti.
Ipinagdiriwang ng United Nations ang International Day of Conscience noong Abril 5.Ngunit ang pagdiriwang sa taong ito ay nakatakda sa Hunyo 16.
Sa susunod na taon, ang pagdiriwang ng Day of Conscience ay Linggo na malapit sa Abril 3 at 5.
“For this year, we stick to the original date,June 16, and our focus is on the grave threat of nuclear weapons, na binibigyang-diin ni Pope Francis at ng mga pandaigdigang pinuno,” ani David.
“We aim to engage our youth in advocating for a world free from the risks of nuclear proliferation”, dagdag pa niya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)