Home NATIONWIDE Sesyon ng Senado noong Hunyo 3 pinadedeklarang legal, may bisa ng high...

Sesyon ng Senado noong Hunyo 3 pinadedeklarang legal, may bisa ng high school teacher sa SC

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ng petisyon sa korte Supreme ang isang high school teacher upang ideklara na legal at may bisa ang nagyaring sesyon noon Hunyo 3, 2026.

Sa sesyon, binakante ang lahat ng pwesto at inilagay si Senador Sherwin Gatchalian bilang acting Senate President Pro Tempore.

Sa 20 pahinang petition for certiorari, hiniling ni Barry Tayam sa Korte Supreme na suriin ang ginawa nina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Loren Legarda Kung ito ba ay may “grave abuse of authority.”

Iginiit ng petitioner na ang bagong itinalagang liderato ng Senado ay lumikha ng “profound institutional challenge” nang tanggihan ng Cayetano bloc at ni Legarda na kilalanin ang bagong liderato.

Sinabi rin ng petitioner na nagdulot din ng banta ng “dual Senate leadership” at posibleng pagkaparalisa ng Senado kaya kailangan ng agarang interbensyon ng Korte Suprema para ibalik ang constitutional order.

“To prevent the imminent paralyzation of a co-equal branch of government, avoid the chaotic emergence of dual competing Senate leaderships, and resolve this escalating constitutional crisis, I respectfully invoke the jurisdiction of this Honorable Court as the ultimate arbiter of the Constitution to definitively rule on the validity of the chamber’s reorganization,” saad sa petisyon.

Iginiit ni Tayam na ang presensya ng 12 Senado noong Hunyo 3 ay sapat para bumuo ng legal at constitutional na quurom na binanggit ang kaso ng Avelino v. Cuenco Kung saan 12 sa 22 senador ay maituturing na absolute majority.

Hiniling din niya na kilalanin ng Korte Supreme na legal ang lahat ng naganap kabilang ang pagdeklara ng bakanteng posisyon, eleksyon ng liderato, at pagreorganisa ng mga komite. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here