Home NATIONWIDE Human rights, gender protection offices binuksan ng DOJ

Human rights, gender protection offices binuksan ng DOJ

MANILA, Philippines – Binuksan na ang Human Rights Office (HRO) at Gender and Development Special Protection Office (GSPO) sa Department of Justice.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, napapanahon na ang pagkakaroon ng HRO at GSPO sa kagawaran na natapat na rin sa selebrasyon ng National Human Rights Consciousness Week.

Binanggit ng Kalihim na dalawampung taon na ang National Human Rights Week na idinaraos mula Disyembre 4 hanggang 10 ng bawat taon, ngunit ngayon lamang aniya naitatag ang dalawang tanggapan.

Sa ilalim ng naturang batas, inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kasama na ang DOJ na bigyang-kamalayan ang mga mamamayan patungkol sa kanilang karapatang pantao.

”With the DOJ’s launch of its very own HRO and GSPO, I can confidently say that this mandate will be fulfilled by the DOJ not only for a week, but the whole year round. It serves a clear call for human rights promotion and protection for the years to come,” ayon sa Kalihim.

Iginiit naman ng Kalihim na noon pang magsimula siyang manungkulan bilang Justice Secretary ay marami nang tranformational kundi man revolutionary policies and programs na ipinatutupad ang kagawaran.

Kabilang aniya rito ang Department Circulars 11, patungkol sa pagpapababa ng piyansa; D.C. No. 13 patungkol sa mandatory autopsy ng mga biktimang kaduda-duda at marahas ang pagkamatay; DC No. 005 para sa agaran o automatic dismissal mga kaso na nasa first level courts na walang katiyakan ang conviction; at DC No. 20 o ang pagpapalakas ng kaso sa pamamagitan ng kooperasyon at koordinasyon.

“This is monumental as it is novel, for, in the DOJ’s 126 years of existence, there are now a dedicated offices meant to carry out this vision of a more humane and human rights-centric justice system that shall deliver real justice in real time,” ayon kay Remulla. Teresa Tavares