Home METRO 2 rider tepok sa agawan sa kalsada

2 rider tepok sa agawan sa kalsada

ROXAS CITY-TEPOK ang dalawang rider makaraan magsalpukan ang mga ito matapos umanong mag-agawan ng linya sa kalsada, nitong Linggo, Disyembre 3 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Neil John Dadivas, 27, ng Barangay Adlawan at Bernaldo Duran Jr., 47, residente ng Sitio Jail, Barangay Lawaan, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Roxas Component City Police Station, bandang 10:24 ng gabi nang maganap ang insidente sa national highway ng Barangay Bolo, Roxas City.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ni Dadivas ang kalsada pauwi sa kanilang bahay sakay ng kanyang Suzuki gixxer nang bigla na lamang nakabanggaan si Duran makaraan agawin umano ang linya ng huli sakay ng kanyang Honda Wave.

Sa lakas ng banggaan tumilapon ang mga ito sa kanilang motorsiklo hanggang sa nagtamo ang mga ito ng matinding pinsala sa kanilang ulo at katawan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico