Home ENTERTAINMENT Daniel at Andrea, nakitaan ng resibo!

Daniel at Andrea, nakitaan ng resibo!

Manila, Philippines – Not only does 1 plus 1 equal 2, para sa mga netizens ay kumpirmasyon ito na may “something” sa pagitan nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.

Knowing how resourceful most netizens are, nakatisod sila ng “resibo” to prove their hunch.

Ang nakalap na piece of evidence linking Daniel and Andrea: jacket.

Ito ang jacket na suot ni Daniel na hawak ni Andrea.

Ang setting ay sa Spain.

Supposedly, may kanya-kanyang lakad o business doon ang dalawa.

Daniel was in Spain dahil may kinalaman ang kanyang pag-eendorso ng isang hard drink.

Andrea was there, too, for some other purpose.

Pero ang tiyak, that was shortly after Andrea and Ricci Rivero broke up months ago.

Doing a timeline, sometime in July na ‘yon.

Does that mean na hiwalay na noong July pa sina Kathryn Bernardo at Daniel?

Samantala, hinihinalang Kathryn’s elder sister Kaye took a swipe at Daniel.

May post kasi si Kaye tungkol sa karma, particularly the lyrics of Taylor Swift’s Karma.

Although obyus naman kung para kanino ang post na ‘yon ay hati ang sentiments ng mga netizens.

Payo ng mga ito kay Kaye, kung gusto niyang manahimik ang isyu involving her younger sis ay huwag na itong magpost ng kung anu-ano.

Salungat naman ito sa nagkakaisang opinyon ng mga maka-Kathryn.

Tama lang daw ang ginagawa ni Kaye para magkaalaman na kung sino ang dehado sa isyung hiwalayan.

Mukhang mahaba-haba pa ang lalakbayin ng KathNiel breakup. Ronnie Carrasco III

Previous article2 rider tepok sa agawan sa kalsada
Next articleTVJ, tinalo ang TAPE sa Trademark Case!