Home ENTERTAINMENT TVJ, tinalo ang TAPE sa Trademark Case!

TVJ, tinalo ang TAPE sa Trademark Case!

Manila, Philippines – Ibinalita na sa Cristy Ferminute ni Cristy Fermin at IBC 13 na napagtagumpayan ng TVJ ang agawan sa intellectual property ng trademark na Eat Bulaga.

Naglabas na ng desisyon kahapon, December 4, ang Intellectual Property Office (IPO) na binansagan ring “misleading to the public” ang pag-register nito mismo.

Granted ang petition nina Tito at Vic Sotto and Joey de Leon na ma-cancel ang trademark registration ng Eat Bulaga na pinagawa ng TAPE, Inc.

Pinirmahan ito ni Atty. Josephine C. Alon, L.L.M.,

na Adjudication Officer ng Bureau of Legal Affairs ng IPO.

Ibig sabihin nito, mapapalitan na most likely in the coming days ang title ng noontime show nila na ‘Dabarkads’.

Sa ngayon ay wala pang reaction ang TVJ sa kanilang social media accounts. Trixie Dauz

Previous articleDaniel at Andrea, nakitaan ng resibo!
Next article‘Di lang diplomatic protest’: Gobyerno kinalampag ni Hontiveros sa pagdagsa ng Chinese ships sa WPS