MANILA, Philippines – Naghain ng mosyon si dismissed Bamban Mayor Alice Guo sa Department of Justice para hilingin na ibasura ang kasong human trafficking laban sa kanya.
Gayunman, walang Alice Guo ang humarap sa DOJ at sa halip ay ipina-receive lamang sa kagawaran ang Motion to re-open investigation and Admit counter-affidavit.
Nais ni Guo na muling buksan ng panel of prosecutors ang preliminary investigation sa reklamong Qualified Human Trafficking at tuluyan itong ibasura.
Pag-aaralan pa ng panel of prosecutors kung tatangapin ang mosyon ni Guo dahil batay sa rules kailangan personal na panumpaan ang isang counter affidavit sa harap ng mga piskal.
Batay sa mosyon, itinanggi ni Guo na sangkot ito sa Human trafficking at tinawag itong isang kalokohan.
Hindi aniya sapat ang mga eletric bills at ilang dokumento ng BAOFU corporation upang patunayan na sangkot siya sa krimen.
Magugunita na tinapos na ng Department of Justice ang preliminary investigation sa reklamong Qualified Human Trafficking laban kay Guo at sa labing isang indibidual na kasapat umano.
Sinabi ni DOJ spokesperson Atty Mico Clavano na submitted for resolution na ang kaso at maaring mailabas ang desisyun matapos ang 30 araw.
Nagpasya aniya ang panel of prosecutors na hindi na bigyan ng pagkakataon sina Guo at tatlong iba pang chinese incorporators na magsumite ng kanilang counter-affidavit.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na hindi sumipot sa imbestigasyon ng DOJ si Guo.
SI Guo ay sinampahan ng reklamo ng PAOCC at PNP-CIDG kaugnay sa sinalakay na operasyon ng POGO sa kanyang nasasakupan kung saan 800 pilipino na mangagawa ang nailigtas. Teresa Tavares