Home NATIONWIDE Tourism cluster sa Gabinete, pinalilikha ni Zubiri: ‘Crown jewels, tutukan’

Tourism cluster sa Gabinete, pinalilikha ni Zubiri: ‘Crown jewels, tutukan’

MANILA, Philippines – Isinusulong ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglikha ng Cabinet cluster sa sektor ng turismo upang tugunan ang masalimuot at maraming problema sa industriya ng turismo partikular ang pagtutok sa “crown jewels” tulad ng Siargao, Palawan at iba pang tourist destinations.

Sa ginanap na pagdinig ng badyet kasama ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) Ipinalutang ni Zubiri ang paglikha ng isang Cabinet tourism cluster matapos aprubahan ng Palasyo ang panukala ni Education Sec. Sonny Angara sa education cluster.

Palaging isinusulong at ibinabandila ni Zubiri ang paglutas ng problemang kinahaharap ng crown jewels na lugar ng turismo sa bansa tulad ng Siargao na binabalutan ng kadiliman sanhi ng kawalan ng sapat na suplay ng kuryente simula pa noong huling pagdalaw nito sa isla ilang linggo ang nakararaan.

“Why can’t we just do the same cluster that Sec. Angara has done for education? He came up with an educational cluster. Can we return the tourism cluster wherein we have the DOT, the DOTr, the DPWH, and the DOE working together to support what, Palawan, El Nido, Coron, (and) Siargao,” ayon kay Zubiri.

Sa pagtatanong ni Zubiri, inihayag ni Socioeconomic Planning Sec. Arsenio M. Balisacan na nakapag-ambag ang tourism industry sa ekonomiya ng hihigit sa P2.09 trillion nitong 2023, na kumakatawan sa 8.6% ng ating GDP.

“8.6%, we can increase it to over 20% because our neighbors are getting tourists left and right. We just need a straight flight from Europe to the Philippines. This is the problem now … It (tourism) contributes so much to the economy and the GDP, but yet we do not focus on it,” ayon kay Zubiri.

Ikinalungkot ni Zubiri ang kalagayan ng Siargao na nahaharap sa kakapusan ng suplay ng elektrisidad matapos nitong personal na masaksihan ng kanyang pamilya sa pagbisita sa isla ilang linggo ang nakaraang. Literal na nababalutan ang isla ng kadiliman sanhi ng kawalan ng kuryente na umaabot sa apat na oras.

Bukod sa Cabinet Tourism Cluster, isinusulong din ni Zubiri ang paglikha ng tourism master plan upang tugunan ang kakapusan ng kuryente sa Siargao kabilang ang lahat ng itinuturing na tourism crown jewels.

Kasunod ng paglikha ng education cluster, hiniling ni Zubiri sa economic team ng Palasyo na lumikha ang isang Cabinet tourism cluster kay President Marcos Jr.

“I’m letting the finance team know that because it’s a whole-of-government approach, and I think we all have to help (the) DOT through this convergence. Maybe you can ask the President to do that,” aniya na tumutukoy sa Cabinet tourism cluster.

Pumabor naman si Finance Sec. Ralph Recto kay Zubiri, sa pagsasabing “the tourism industry is a “low-hanging fruit” that can easily double its contribution to the GDP if the government pours resources into it.” Ernie Reyes