MANILA — Sinabi ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina nitong Huwebes na magsasampa ito ng mga reklamo laban sa mga responsable sa paghukay at paglilipat ng daan-daang labi mula sa Barangka Municipal Cemetery.
Sa isang post sa social media, ipinakita sa mga larawan ang mga labi na nakalagay sa mga sako, na may ilang mga kalansay na nakalabas. Ang mga ito ay iniulat na mga labi kung saan ang mga kontrata ng vault ay nag-expire na.
Ayon sa pahayag ng lungsod, ilegal at hindi katanggap-tanggap ang paghukay sa mga labi na ito.
“Ito ay hindi lamang labag sa dangal at respeto sa ating mga yumaong mahal sa buhay, kundi lumalabag din sa batas sa ilalim ng Presidential Decree No. 856, ang Code on Sanitation of the Philippines,” ayon sa Marikina government.
Sinimulan na ng imbestigasyon ang pananagutan sa mga nasa likod ng umano’y hindi awtorisadong paglilipat ng mga labi.
Sa isang ong panayam, inihayag ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro na magsasampa sila ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa administrator ng Barangka Public Cemetery at apat na iba pa na umano’y sangkot sa hindi awtorisadong paghukay ng mga labi ng tao.
“May moratorium tayo ng exhumation sa Barangka cemetery dahil aayuisin ito, naka-schedule, pero sinamantala ito ng mga indibidwal na hindi konektado officially sa cemetery, pero nakipag-connive, nakipagsabwatan sa Barangka cemetery administrator,” ani Teodoro. RNT