Home NATIONWIDE Hungarian Minister of Foreign Affairs bibisita sa Pinas sa Huwebes

Hungarian Minister of Foreign Affairs bibisita sa Pinas sa Huwebes

MANILA, Philippines- Bibisita si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Pilipinas sa Huwebes, Hunyo 13, 2024.

Inihayag ng Department of Foreign Affairs na bahagi ang pagbisita ni Szijjarto official tour nito sa Southeast Asia.

Makikipagpulong siya kay Secretary Enrique A. Manalo, na magsisilbi ring 8th iteration ng Philippines-Hungary Political Consultations. 

Gayundin, magkikita sila ni Secretary Alfredo E. Pascual ng Department of Trade and Industry at Secretary Hans Leo Cacdac ng Department of Migrant Workers kung saan bibigyang-diin ang umiiral na pagdiriwang ng 50th Anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Sinabi nito na ang Hungary ay mahalagang katuwang ng Pilipinas sa edukasyon, water technology, agrikultura, culture, at sports. 

“The two countries’ relations are marked by a shared commitment to democracy, rule of law, and compliance with international law,” pahayag ng DFA. 

Ito ang magiging ikatlong pagbisita ni Szijjarto sa Pilipinas sa kasalukuyan niyang tungkulin.

Noong 2017, nakipagkita si Szijjarto kay Foreign Affairs Secretary Manalo at kay Secretary Teodoro Locsin, Jr. noong 2020. RNT/SA