Home LIFESTYLE Regulasyon ng vaping suportado ng Singapore expert

Regulasyon ng vaping suportado ng Singapore expert

MANILA, Philippines- Nanawagan ang isang nangungunang addiction specialist sa Singapore para sa regulasyon ng vape products sa halip na i-ban o ipagbawal ito.

Ang katwiran ni Andrew da Roza, isang kwalipikadong addiction psychotherapist at board member ng Singapore Anti-Narcotics Association, mapipigilan ang mga kabataan na gumamit at makapagbibigay sa mga naninigarilyo ng hindi gaanong nakapipinsalang alternatibo.

Sinabi pa ni Da Roza sa kamakailan lamang na panayam ng CNA938, top news station ng Singapore, ang regulasyon ang may hawak ng susi para alisin ang black market para sa vapes.

“The vast majority of vapers are smokers, and they’re adults,” ayon kay Da Roza sabay sabing, “If you regulate it, then smokers can buy vapes from reputable retailers, and the black market will shrink.”

“We can see evidence in countries that have regulated vapes. You can see the difference in the black markets. Compared to countries that have regulated and have not – black market has evidently reduced in those that have regulated. So it’s very, very important we regulate,” dagdag niya.

Tinukoy ni Da Roza ang scientific literature na nagpapakita na ang ‘vaping’ ay mas ligtas kaysa humihitit ng sigarilyo.

Hindi rin pabor si Da Roza sa paniniwala na ang vaping ay mas nakasasama dahil ang vapor nito ay naglalakbay ng mas malalim at matindi tungo sa baga.

“In fact, cigarettes have many toxins that stay in the lungs after being inhaled, while vapor does not,” aniya pa rin.

Tinuran pa ni Da Roza na makikita sa pag-aaral na ang paghinto sa vaping ay mas madali kaysa sa pagtigil sa paninigarilyo.

“Chemicals in cigarettes are more than just nicotine, and they contain other very dangerous chemicals,” dagdag na wika ni DA Roza sabay sabing, “Vaping does not have the same addictive qualities as smoking.”

Sabi pa ni Da Roza, maaaring makatulong ang vaping na mabawasan ang smoke production, na kapaki-pakinabang sa kapaligiran.

“In Britain, cigarette smokers are encouraged to switch to vaping to quit smoking, and vapes are even given out in hospitals in psychiatric clinics,” pahayag niya.

Iminungkahi ni Da Roza na ang pag-regulate sa vapes kahalintulad sa alak at sigarilyo ay para ilayo sila sa kamay ng mga bata.

Tinuran pa nito na ang education campaigns na base sa scientific evidence ay kailangan para ipabatid sa mga kabataan ang panganib ng vaping.

“Vaping is not the same as smoking tobacco leaves or cigarettes, and it is definitely not as harmful,” giit ni Da Roza.

“A well-regulated vaping option is the way forward in Singapore,” aniya pa rin.

Sa Pilipinas, inanunsyo ng Department of Trade and Industry (DTI) na simula noong Hunyo 5, 2024, mandatoryo na ang sertipikasyon ng imported at locally manufactured vape products para masiguro ang kanilang kaligtasan at kalidad.

“No vape products should enter the country, especially if they do not bear product standard (PS) marks/license or ICC marks,” ayon kay DTI-Consumer Protection Group Undersecretary Amanda Nograles.

Samantala, inanunsyo naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na epektibo Hunyo 1, 2024, “the BIR’s Revenue Memorandum Circular 59-2024 mandated the use a new tax stamps to be affixed on all vape products sold in the country to curb the proliferation of unregulated vape products in the market.”

Tinuran ni Da Roza na ang kailangan ng Singapore ay “regulation so that we have liquids in Singapore that we know what’s in them, and we know that they’re the safest liquids available at the time and in the future.”

“It is possible to create a liquid that is as safe as nicotine replacement therapy, and they do exist. But we need to regulate that to make sure they exist here in Singapore,”paglalahad pa niya.

Sinabi rin niya na dapat na gawing legal ang vaping at i-regulate ito, kahalintulad ng sigarilyo na may mahigpit na ‘minimum age limit.’

Aniya, sapat na ang kasalukuyang mga parusa, subalit kailangan na ma-improve o mapahusay ang pagpapatupad nito.

“No one really gets punished for vaping in Singapore, to be honest,” ayon kay Da Roza at tinuran pang, “Even though the numbers are high, it is still very apparent in Singapore.”

“You do not want people to be criminalized.” Kris Jose