Home NATIONWIDE Hustisya para kay Percy Lapid sigaw ng mga mamamahayag

Hustisya para kay Percy Lapid sigaw ng mga mamamahayag

MANILA, Philippines- Ipinanawagan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) nitong Martes ang hustisya sa unang anibersaryo ng pagkamatay ng beteranong radio broadcaster na si Percival “Percy Lapid” Mabasa.

Nagsagawa ng kilos-protesta ang NUJP kasama ang campus journalists mula sa iba’t ibang paaralan sa harap ng Justice department.

“Syempre ang gusto natin ma-aresto yung alleged mastermind sa pagpatay kay Percy Lapid, hindi sapat na accessories to the crime lang ang nakakulong so hinahamon natin ang Department of Justice na gawin ang lahat para ma-aresto si Bantag,” pahayag ni NUJP Secretary General Len Olea, na tinutukoy si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag, itinuturong mastermind sa pagpatay kay Mabasa.

Sinabi ng mga grupo na hindi lamang para kay Lapid ang panawagan nila ng hustisya kundi maging sa iba pang mga mamamahayag na pinaslang dahil sa kanilang trabaho.

Noong Oct. 3 ng nakaraang taon, pinatay si Lapid ng hindi natukoy na motorcycle-riding assailants habang pauwi sa kanyang tahanan sa Las Piñas. RNT/SA