Home ENTERTAINMENT Neri, nagsalita na sa P1K meal plan!

Neri, nagsalita na sa P1K meal plan!

Manila, Philippines – Positive pa rin ang aktres at former Star Circle Quest contestant na si Neri Naig kahit na sandamakmak ang basher sa kanyang pina-trending na P1,000 meal plan.

Sinasabi kasi ng netizens na ang nasabing meal plan ay hindi attainable.

Sa interview ng ABS-CBN News, in-explain ni Neri kung bakit niya pinost ang P1,000 meal plan.

“Because open na open naman sa social media, a lot of people naman parang ‘opinyon ko ‘to eh’ so parang, hindi kasi ako nagpo-focus sa kanila. But okay, kagaya ng sinabi ko sa isang interview medyo old post na ‘yon bago may nilabas sa gobyerno, so they just used it.

“And before Miggy (her son) pa, ginagawa ko na ‘yong meal plans, and marami namang mga followers ko na alam ‘yong mga sinasabi ko — hindi ko lang nilagay ‘yong disclaimer before because I was just, unang-una, 2:30 a.m. na yata ko ginawa ‘yon kasi nag-Canva-Canva pa ‘ko and all, parang inayos ko talaga siya. Hindi lang ako naglagay ng disclaimer but sa mga old post ko, mayro’n siya,” sabi niya.

Sinabi pa ni Neri na may nagpo-focus siya sa kanyang followers who appreciate her and learn from her tips.

“Regarding sa mga negative na sinasabi sa ’kin, you know what, ang dami-dami nang sinabi sa ’kin, ang dami nang binato sa ’kin, ang dami nang memes or ang daming mga negative ano, but I’m still here, I’m okay. And naka-focus kasi ako sa mga followers ko na natutulungan ko… Kagaya nga ng tinatanong mo paano naba-budget, paano nama-manage ‘yong oras namin bilang wife, bilang mommy, and bilang negosyante. So, do’n lang ako naka-focus. Kung tatanungin, I’m okay.

“Sa lahat naman ng mga taong naniniwala sa ’kin, sobrang thankful and hindi ko alam na sobrang laki pala niya. Nakaka-receive lang ako ng mga messages, ayoko na banggitin kung sino ‘yong mga tao na parang ‘nag-chat sa ’kin si ganito’, parang bakit ka mine-message? Parang nagulat lang ako na gano’ng siya kalaki, ‘yong concern ng mga tao. People who understand, and people who follow my social media, alam nila kung ano ‘yong ginagawa ko,” mahabang explanation ni Neri.

Binanggit din ni Neri ang wise words na sinabi sa kanya ng asawang si Chito Miranda: “They understand, and sobrang heartwarming na sabihin na natin ‘yong sinasabi ni Chito na ‘cruel world’ but at the end of the day you need ‘to mag-focus sa mga taong who support you, and sa mga tao na naniniwala sa ’yo, ‘yong positive lang.

“Wala naman nang nagtatanong sa akin, hindi na ako sumagot. Hinahayaan ko lang ‘yong asawa ko do’n kasi syempre, trabaho niya in a way na ipagtanggol ako pero we’re okay,” say pa niya.

Nagpapasalamat pa rin si Neri sa kanyang fans.

“I’m so happy na maraming nakaka-appreciate sa akin bilang mommy, bilang negosyante, bilang maybahay — homemaker. Nakakatuwa kasi nag-fo-focus kami sa community na nagtutulungan ‘yong mga kababaihan,” she said.

“Do’n ako nakafocus eh. If ever mayro’n akong ginagawang negosyo, iniisip ko kung paano tayo mas makakatulong. And of course, may mga endorsement tayo like Babyflo, very generous kasi ang Babyflow kapag nagbibigay sa akin ng mga products so shine-share ko talaga ‘yan sa mga mommies din.” Joey Sarmiento