MANILA, Philippines – Ito ang paalala ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa publiko.
Sa abiso ng MPD, pinapayuhan nila ang mga aalis ng bahay, magbabakasyon, o pupunta sa sementeryo na tiyaking nakakandado nang maigi ang bahay.
Maigi rin na masiguro na nakatanggal sa pagkakasaksak ang mga appliances upang maiwasan ang insidente ng sunog, at ibilin rin sa mga kaanak o kapitbahay ang tahanan.
Mahigpit ding paalala ng MPD na iwasang mag-iwan ng mga “notes” na nagsasabing walang tao sa bahay.
Hangga’t maaari, huwag na ring isama sa sementeryo ang mga bata o senior citizens upang kapwa hindi mahirapan.
Kung hindi maiiwasan, maiging nakasuot ng ID ang bata habang tinitiyak ang kalusugan ng mga lolo’t lola.
Habang nasa sementeryo, maiging alamin ang lugar ng first aid station at PNP Assistance Hub sakaling may mga hindi inaasahang insidente o mangailangan ng tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden