Home METRO P18.6-M ‘damo’ winasak sa Ilocos Sur at La Union

P18.6-M ‘damo’ winasak sa Ilocos Sur at La Union

293
0

MALASIQUI, Pangasinan — Nasamsam at winasak ang marijuana na nagkakahalaga ng P18.6 milyon sa Ilocos Sur at La Union sa isang joint operation ng Police Regional Office sa Ilocos Region (PRO-1) at Philippine Drug Enforcement Agency mula Oktubre 23 hanggang 26, 2025.

Ayon kay Maj. Divina Albino, chief ng PRO-1 information office, umabot sa 92,225 fully grown marijuana plants at 5,080 seedlings ang na-urong at sinunog sa mga bundok ng Sugpon, Ilocos Sur at Santol, La Union. “Ang operasyon, na layuning wakasan ang pinagkukunan ng iligal na droga sa rehiyon, ay nagsimula sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur at Sitio Manaba, Barangay Tubaday, Santol, La Union noong unang araw,” sabi ni Albino.

Sa Sugpon, Ilocos Sur, 18,500 fully grown plants at 1,250 seedlings na nagkakahalaga ng PHP3.7 milyon ang winasak, habang sa Santol, La Union, pitong plantasyon na may 11,300 fully grown plants at 2,830 seedlings na nagkakahalaga ng PHP2.3 milyon ang na-erase.

Kasama rin sa operasyon ang 18,025 at 37,800 fully grown plants na nagkakahalaga ng PHP3.6 milyon at PHP7.5 milyon, at sa huling araw, tatlong plantasyon na may 6,600 fully grown plants at 1,000 seedlings na nagkakahalaga ng PHP1.3 milyon.

Nilinaw ni Albino na walang naaresto, at ang pangunahing layunin ng operasyon ay pigilan ang pagkalat ng marijuana sa merkado. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here