Home METRO HVI, 3 iba pa tiklo sa P360K tobats sa Makati

HVI, 3 iba pa tiklo sa P360K tobats sa Makati

1
0

MAKATI CITY, Philippines – Apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang high-value individual (HVI), ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Pio del Pilar, Makati City, gabi ng Oktubre 21, 2026.

Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police ang operasyon dakong alas-10:05 ng gabi sa Medina Street, kung saan naaresto ang babaeng alyas “Brenda,” 58, na itinuturing na HVI, kasama ang tatlo pang suspek na kinilalang sina “Emmanuel,” “Lito” at “Bert.”

Ayon sa pulisya, nakabili ang isang undercover operative ng sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula kay Brenda, na naging dahilan ng pagkakaaresto sa apat.

“Nahuli na sumisinghot pa; ibebenta sana sa ibang user yung mga nakumpiska,” ayon sa isang operatiba.

Tinatayang 53 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱360,400 batay sa Standard Drug Price (SDP) ang nasamsam sa operasyon.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Southern Police District Director PBGEN Pastor, hindi titigil ang pulisya sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na droga, lalo na sa mga high-value target, upang maprotektahan ang mga komunidad at matiyak na mananagot ang mga lalabag sa batas. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here