Home METRO HVI laglag sa higit P1.3M shabu

HVI laglag sa higit P1.3M shabu

MANILA, Philippines- Arestado ang 26-anyos na lalaki sa Cotabato City nitong Miyerkules matapos makuhanan ng mahigit P1.3 milyong halaga ng crystal meth, kilala bilang “shabu,” base sa Philippine Drug Enformece Agency (PDEA).

Sa ulat nitong Huwebes, kinilala ng PDEA ang suspek na si Najer Cosain Arumpac, alyas Supremo, nadakip sa isang buy-bust operation sa kahabaan ng Jose Lim Street sa Barangay Poblacion 5.

Tinukoy ng PDEA si Arumpac bilang isang “high-value target” kilala sa kanyang llegal drug transactions maging sa mga karatig-bayan sa Lanao Del Sur.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang plastic bags na naglalaman ng 200 gramo o P1,360,000 halaga ng shabu, buy-bust money, cellphone, wallet, at identification card.

Kasalukuyang nakaditine si Arumpac sa jail facility ng PDEA sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA