Home METRO Kelot, tigok sa away-bata

Kelot, tigok sa away-bata

ILOCOS SUR- Tigok ang isang 56-anyos na lalaki matapos barilin ng tatay ng batang nakaaway ng kanyang apo sa Brgy. Jordan, Sinait, Ilocos Sur kahapon, Hulyo 18.

KInilala ng Sinait Municipal Police Station ang biktima na si Amado Idica Yoro, 56, walang asawa, magsasaka, residente ng naturang lugar.

Kinilala naman ang suspek na Jual Bautista Yoro, 38, walang asawa, magsasaka, kalugar ng biktima.

Naglalaro umano sa likod-bahay ang apo ng biktima at ang anak ng suspek nang biglang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga ito.

Nang makita ng suspek ang dalawang batang nag-aaway ay sinaway niya ang mga ito.

Nakita ng biktima na pinapagalitan ng suspek ang kanyang anak kaya pinuntahan niya ang mga ito na nagresulta sa away o suntukan ng biktima at ng suspek.

Umuwi ng bahay ang biktima at kumuha ng itak kasama ang kanyang anak.

Kinuha naman ng suspek ang kanyang cal. 38 revolver na baril at saka nito binaril ang biktima.

Ang biktima ay isinugod sa ospital ngunit hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor.

Inaresto naman ng mga rumespondeng personnel ng Sinait MPS ang suspek. Rolando S. Gamoso