Home METRO HVI laglag sa P13M shabu

HVI laglag sa P13M shabu

MANILA, Philippines- Nadakip ng mga operatiba ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG) ang isang high-value individual (HVI) at nasabat mula sa kanya ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 milyon sa isang sting operation sa Zamboanga City nitong Biyernes.

Inihayag ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta na nagresulta ang operasyon sa Barangay San Jose Gusu ng lungsod sa pagkakaaresto sa 37-anyos na si alyas “Samson” na nakuhanan ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P13.6 milyon.

Dinala ang suspek sa Zamboanga City Police Office Station 11 para sa pansamantalang detensyon habang ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa PDEG Special Operations Unit 9 na para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

“This accomplishment demonstrates our commitment to combating illegal activities and ensuring our community’s safety. Let us continue to uphold the values of integrity and service excellence in all our future endeavors, ” wika ni Matta. RNT/SA