
MANILA, Philippines – Halos P.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Medic”, 42, car painter at residente ng Brgy. Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.
Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA matapos magawang makipagtransaksyon ng isa niyang tauhan sa suspek.
Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong ala-1:10 ng madaling araw sa harap ng Rusi motor sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Arkong Bato.






