Home NATIONWIDE 3 illegal recruiter na nanghihingi ng P350K kada aplikante ng PCG arestado

3 illegal recruiter na nanghihingi ng P350K kada aplikante ng PCG arestado

MANILA, Philippines – Tatlong illegal recruiters na nanghihingi ng P350,000 bawat aplikante ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inaresto nitong Abril 1.

Kasama sa mga naaresto ang isang retored Philippine marine Corps (PMC) officer na may ranggong Major na kinilalang si Marcel Mudjilun kasama si Bolkisah Datu-Dacula at Abdul Jalil Datu-Dacula Bantuas.

Ayon sa Caost Guard Human Resource Management Command Counter Intel Operatives, ang tatlong illegal recruiters ay naaresto matapos makatanggap ng reklamo mula sa dalawang PCG enlistment applicants.

Katuwang ng PCG ang Philippine National Police (PNP), National Capital Region-Central Luzon (NCR-CL) sa entrapment operation.

Nagpaalala naman si PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan sa mga aspiring PCG applicant na ginagawa lamang ang Coast Guard recruitment sa loob ng PCG at walang bayad na kinakailangan sa kanilang aplikasyon.

Hinikayat din ni Gavan ang mga aplikante na iulat ang mga insidente ng illegal recruitment sa pamamagitan ng CGHRMC Grievance Desk. Jocelyn tabangcura-Domenden