TINIYAK ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na sa kanyang pagbabalik sa Senado ay kanyang isusulong ang pag-amyenda sa senior citizen law na sa kanyang panukala na sa halip na 60 taong gulang magsimula ang pagiging senior ay gawin itong 56 taong gulang ito.
Kadugtong nito ng panawagan ni Revilla sa lahat na mga may nanay at lola na nasa 80, 85, 90,at 95 taong gulang na tumungo sa mga tanggapan ng Semior Citizen o OSCA upang mapakinabangan ang Centenarian Law na si Revilla ang siyang pangunahing may-akda.
Kasunod pa nito ang paghimok ni re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magkaisa ang lahat ng Filipino sa gitna ng mga kinahaharap na problema ng ating bansa.
Wish ni Senador Bong Revilla na hindi dapat nagkakaroon ng anumang pag-aaway kundi magmahalan lamang ang bawat isa; at ang pagkawatak-watak ng ating bansa ay mapalitan ng isang pagmamahalan.
Samantala, hindi naman maikubli ni Senador Bong Revilla ang tuwa at pagpapasalamat sa bawat mamamayang Filipino dahil sa patuloy na mainit na pagtanggap sa kanya saan man siyang panig ng Pilipinas magtungo.
Kaakibat nito ang panawagan ni Revilla sa lahat na ipagdasal silang mga kumakandidato na maging ligtas sa sobrang init ng panahon. RNT