Home METRO HVI nahulihan ng P300K sa buy bust sa Valenzuela

HVI nahulihan ng P300K sa buy bust sa Valenzuela

1
0

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa mahigit P300K halaga ng shabu ang nasamsam sa high value drug personality matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng Umaga.

Sa kanyang ulat kay Northern Police (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek sa alyas “Bong”, 43, residente ng Quezon City.

Ayon kay Col. Talento, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation laban sa suspek sa koordinasyon sa PDEA, kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang maaresto ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa harap ng Pamilyang Valenzuelano Park, sa Pinalagad, Brgy. Malinta, nang dumayo pa umano ito sa lugar para magbenta ng shabu sa katransaksyon na isang pulis na nagpanggap na buyer.

Sinabi ni Lt. Dascil na aabot sa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 ang nasamsam nila sa suspek, kasama ang buy bust money, wallet, coin purse, P200 cash, driver license at isang motosiklo na gamit umano nito sa pagdedeliber ng droga.

Ani SDEU investigator PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here