LUCENA CITY- Nasakote ng mga pulis sa lalawigan ng Quezon ang tatlong umano’y big-time drug traffickers at nasabat ang mahigit P1.6 milyong halaga ng shabu (crystal meth) sa mga operasyon nitong Biyernes.
Iniulat ng Quezon police na nadakip ng provincial drug enforcement unit si “Vida,” 39, at kanyang partner na si “Aaron,” 38, ng alas-8:10 ng gabi,
Naganap ang pag-aresto magbenta ang dalawang P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover cop sa transaksyon sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.
Nakuhanan ang mga suspek ng apat na plastic sachets na naglalaman ng shabu at may bigat ng 32 gramo na nagkakahalaga ng mahigit P1.2 milyon base sa ebalwasyon ng Dangerous Drugs Board.
Nagkakahalaga ito ng P652,800 sa street market, base sa ulat.
Nakumpiska rin ng mga pulis ang motrsiklong pinaniniwalaang ginagamit ng mga suspek sa kanilang ilegal na aktibidad.
Natukoy din ang dalawa na high-value individuals (HVI) sa drug trade, ayon sa ulat.
Sa bayan ng Calauag, sinalakay ng anti-illegal drugs operatives ang bahay ng isang alyas “Ato” sa Barangay Sta. Maria bandang alas-10:45 ng umaga.
Natuklasan ng mga awtoridad na may dalang search warrant ang pitong plastic sachets na naglalaman ng 47 gramo ng shabu na may street market value na P973,080.
Base sa mga pulis, ang suspek na tinukoy ding HVI, ay subject ng reklamo mula sa mga residente dahil sa kanyang umano’y illegal drug trade.
Iniimbestigahan na ng Quezon police ang pinagkukunan ng shabu na ibinebenta ng mga suspek.
Nakaditine ang mga nahuling indibidwal at nahaharap sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA