ILOCOS SUR- Swak sa kulungan ang isang 50-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Santiago ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 20.
Ayon sa pulisya, ang suspek na nasa kategorya ng HVI sa ilalim ng “COPLAN DG TAMPONG” ay residente ng naturang bayan.
Bandang alas-11:45 ng umaga nang ikasa ng mga tauhan ng Santiago MPS (lead unit), ISPIU, ISPDEU, San Esteban MPS, RMFB 103 MC, PNP-DEG SOU 1, at 2nd ISPMFC ang buy-bust operation sa pakikipagtulungan sa PDEA RO1 na tumagal hanggang alas-12:50 ng hapon.
Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ng mga awtoridad ng anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Tinatayang humigit-kumulang sa 42.9 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu at nagkakahalaga ito ng P291,720.
Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska ring mga non-drug evidence.
Kabilang sa mga nakumpiskang non-drug evidence ang isang caliber 38 na baril na walang serial number at markings na may kargang apat na live ammunition. Rolando S. Gamoso