PANGASINAN-Himas-rehas ang isang 46-anyos na lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Manaoag sa lalawigan ng Pangasinan kahapon, Hunyo 21.
Sa inilabas na Press Release ng PRO1, ang suspek ay nakalista bilang high-value individual (HVI), residente ng naturang bayan.
Sa naturang buy-bust operation ay nakarekober ang mga awtoridad ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P340,000.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga personnel mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 1, PDEA, RID, PNP DEG SOU1, PDEU, PIU Pangasinan at Manaoag Municipal Police Station. Rolando S. Gamoso