Home METRO HVI timbog sa damo’t bato

HVI timbog sa damo’t bato

1
0

PANGASINAN-Himas-rehas ngayon sa kulungan ang isang 46-anyos na lalaki matapos isagawa ng mga awtoridad ang isang search operation sa kanyang bahay sa bayan ng Lingayen ng lalawigang ito nitong Setyembre 24.

Ayon sa Lingayen ang suspek ay itinuturing na high-value individual (HVI).

Bandang alas 8:50 ng gabi nang isagawa ng mga personnel ng Lingayen MPS (lead unit) at SWAT Pangasinan PPO ang pagpapatupad ng search warrant na tumagal hanggang ala-1:10 ng madaling-araw ng September 25.

Sa naturang operasyon ay nakasamsam ang mga awtoridad ng anim na knot tied heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang mga pinatuyong dahon ng marijuana.

Tumitimbang ng 73.032 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P496,617.60 ang hinihinalang shabu.

May timbang naman na isang gramo ang hinihinalang marijuana dried leaves at tinatayang nagkakahalaga ito ng P120.

Kabilang sa mga nakumpiskang non-drug evidence ang isang glass tooter at isang kulay itim na sling bag.

Ginawa ang inventory at markings sa mga nakuhang ebidensya sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga mandatory witness at ng suspek, alinsunod sa itinakda ng batas. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here