MANILA, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang isang high-value individual (HVI) sa anti-illegal drug operation nitong Sabado.
Nasamsam ng mga awtoridad ang kabuuang P1,836,000 halaga ng hinihinalang shabu.
Nadakip ang 51-anyos na HVI, isang negosyante mula sa City of San Jose Del Monte, ng pinagsanib na pwersa ng Calumpit police at ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Bulacan sa Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan bandang alas-5:55 ng hapon. Kinilala ang suspek na si alyas “Choco.”
Nakuha mula kay Choco ang walong plastic bags na naglalaman ng tinatayang 270 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P1,836,000 kasama ang marked money.
Ikinakasa na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek. RNT/SA