Home NATIONWIDE ‘Hybrid’ flood control ikakasa ni Dizon

‘Hybrid’ flood control ikakasa ni Dizon

1
0

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggamit ng kombinasyon ng concrete structures at nature-based solutions para sa flood control projects sa mga bahaging madalas bahain sa Bulacan at Pampanga.

Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, layunin ng ahensya na suriin ang mga flood mitigation approach na matagumpay nang ginagamit sa ibang bansa sa halip na umasa lamang sa mga istrukturang gawa sa kongkreto.

“Not everything can be nature-based, though. There are instances where concrete is truly necessary,” ani Dizon.

Sinabi niyang kailangang pag-aralan nang mabuti kung saan mas angkop ang concrete infrastructure at kung saan maaaring gamitin ang nature-based solutions upang maiwasan ang hindi kinakailangang paggastos.

Kabilang sa mga lugar na unang tinututukan ng DPWH ang Hagonoy, Paombong at ilang bahagi ng Malolos sa Bulacan, gayundin ang Macabebe, Masantol at Sasmuan sa Pampanga.

Tinalakay ang konsepto sa pulong ng DPWH kasama ang Haskoning Philippines Inc. at Project NOAH nitong Miyerkules habang patuloy na binubuo ng ahensya ang mga hakbang para sa flood mitigation sa mga komunidad sa paligid ng northern Manila Bay. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here