MANILA, Philippines – Nananatiling tikom ang bibig ni Vice President Sara Duterte hinggil sa kanyang future political plans, partikular na para sa 2028 elections.
Ang katuwiran ni VP Sara, ang paghahayag sa kanyang plano ay magpapataas lamang ng pangamba para sa kanyang kaligtasan.
Tinanong kasi si Duterte hinggil sa kanyang plano sa isang media interview sa Pampanga, at ang sagot nito ay, “Well, I can’t answer that because they might kill me.”
Tinukoy pa ni VP Sara na halata naman aniyang pinag-iinitan siya ng kasalukuyang administrasyon, mula sa target ng political attacks para ma-impeach.
“And I think what comes next is… you know? It’s like, ‘Let’s just get this woman killed so that the administration’s problem is over.’ Note: the administration, not the people’s problem,” ang winika ni VP Sara.
“Ako na ang may kasalanan ng lahat, inimpeach na nila ako, pero hindi pa ako na-impeach hanggang ngayon. So baka ang susunod noon ay sabihin nila na i-tegi na lang ang babaeng ito para matapos na ang problema ng administrasyon… hindi na bayan ha? Ng administrasyon,” aniya pa.
“Hindi ko masagot, ma’am, kung buhay pa ako bukas,” ang sinabi pa rin ni VP Sara. Kris Jose