Home ENTERTAINMENT Ian, Lotlot, et al at John, magkaiba ang plano sa kaarawan ni...

Ian, Lotlot, et al at John, magkaiba ang plano sa kaarawan ni Nora!

Manila, Philippines- May pakiusap ang lahat ng mga naulilang anak ni Nora Aunor para sana sa ika-72 na kaarawan nito sa May 21.

Nais kasi nina lan, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth na ibigay ng mga Noranians sa kanilang halos isang buong araw para makapiling nila ang kanilang ina–kahit sa puntod man lang.

Welcome naman daw ang mga

Noranians na gustong dumalaw sa Libingan ng mga Bayani pero mula alas kuwatro ng hapon onwards.

Hindi naman daw ipinagkakait nina lan et al ang mahalagang araw na ‘yon sa mga fans ng ina.

Samantala, may bukod na plano si John Rendez sa May 21.

Instead of joining Nora’s kids ay sa Iriga City binabalak ipagdiwang ni John ang kaarawan ng kanyang long-time friend.

Bukod dito’y balak ding gunitain ni John ang nakasanayan nang 40 days sa Iriga.

Tiyak namang hindi unfamiliar territory ang Iriga kay John na ilang beses na ring nakarating doon.

To Mama Guy, happy 72nd birthday in advance in heaven. Ronnie Carrasco III