MANILA, Philippines- Pansamantalang itinigil ang botohan sa mga presinto ng Guadalupe Elementary School sa Cebu City ngayong Lunes dahil pitong automated counting machines (ACM) ang nagkaroon ng technical issues.
Ayon sa ulat, itinigil ang botohan maging sa express lanes, kung saan inabot ng isang oras ang paghihintay ng mga botante.
Sinabi ni Jonah Cordero, pinuno ng Electoral Board ng mga apektadong presinto, na hindi naipasok ang mga balota sa mga makina nang magkaaberya.
Subalit, ang machine scanners ay nilinis na ng on-site DESO Technical Support Staff, kaya nakapagpatuloy na ang botohan, base kay Cordero.
Ang Guadalupe Elementary School sa Cebu City ang pinakamalaking voting center sa lugar. RNT/SA